Investor Transparency
#21
(10-27-2016, 06:38 PM)djas_ky Wrote: maganda ang iyong paliwanag lalo na sa umpisa "Farmon for example ay hindi agad nagsisimula ang cycle after malikom ang investments for the cycle".

Tanong ko lang kung bakit ang profit ay hindi parehas sa bawat investor kahit ang producto at cycle ay iisa lamang.
-Dahil ang Market Price ay hindi flat rate at nag fluctuate base sa law on supply and demand.. You can't even sell the products sa date na kung kelan mataas ang price. otherwise bulok na ang paninda mo... Kung ipipilit mo ang ganitong logic, eh wala kang alam sa farming
(02-04-2017, 01:26 PM)dried_fish Wrote: Correct me if I'm wrong, base sa lahat ng mga comment dito particularly sa TRANSPARENCY and ROI wla akong napansin na sumagot from the admin. Admin should take seriously about these concerns by giving their statements (official) para nmn mabigyan ng peace of mind ang mga investors. I believed that they are doing it already but it seems kulang pa.
Isa pa, may sumasagot din sa mga comment but the problem is, it sounds like more an insult. Kaya masasabi namin na maaring ang sumagot ay hindi taga admin. An admin personnel should make a statement in professional way. Hindi yong parang may pinapagalitan.. Sana po sa mga member dito, ugalihin po natin na maayos tayong sumagot sa bawat tanong regardless of sense or senseless questions. Tandaan po natin na kunti lng may alam about sa farming so expect natin na meron talagang questions na alam mo na...Mas maganda na e educate natin sila ng maayos kung sino man sa atin ang may alam.
-The transparency of the ROI table has been removed due to insistent demand of those people na bagong sali lang sa farmOn to be accredited by SEC. Now, SEC requires them(FarmON) to tear it down, now its gone, the same people are demanding for it. You can get it via emailing FarmOn Admin.

Di mo maiiwasan na ganyan ang reply ng ibang members dito dahil yung iba dito papasok maninira gagawa ng eksena... Ayaw nyo ng risk? go to banks lagay nyo dun yung pera nyo sa savings account. Walang Risk dun..
Reply
#22
(10-28-2016, 04:12 PM)j.callangan22@gmail.com Wrote: Kapag kayo po ay may experience sa bukid alam nyo po ang paliwanag kung bakit hindi pareparehas ang ROI at hindi sabay sabay ang pag reflect sa inyong kita kahit pa iisang cycle lang ito.   Hindi naman po kasi isahang harvest lang ang nangyayari at malamang hindi lang din iisa ang bumibili ng produkto ng FarmOn.  Kahit pa magkakatabi ang plot ng pananim, hindi naman po pareparehas ang bunga ng mga ito.  May mga uno na sadyang hitik sa bunga at may mga puno na tama lang.  Kahit po sa livestock, hindi porke sabay sabay yan silang inalagaan at same ang pakain ay parehas ang timbang nila pagdating ng ilang buwan.  
Tamang pang unawa lang po sana, kung may mga negatibong tanong sa ating isipan mas makakabuti na ilagay natin ang ating sarili sa pwesto ng magsasaka.  Ang pera po nila ay hindi kagaya ng bangko na may instant liquidity.  Kung kayo po ay may biglaang paglalaanan ng pera, hindi po ang FarmOn ang tamang investment venue para sa inyo.
Mura lang naman po ang pamasahe papuntang Isabela, why not bring your family and have a bonding excursion over there?  I'll bet na ma-enjoy nyo ang authentic pinakbet ng mga Ilocano at Pansit Cabagan.   Smile
buti naman may matinong nagexplain! paulit2 din ang tanong na yan sa kung saan2 na thread!!!! hindi po ata nagtatanim ang investors dito kaya hindi nila alam na kahit sabay2 pa yang itanim hindi sabay2 ang ani nun at hindi din pareparehas ng bungang maipproduce. kahit nga sa isda kung 2000 pcs ang binili mo malamang kalahati nun ang hindi makakasurvive!
 at mukg hindi rin namamalengke ang ibang investors dito. kasi praang hindi nila alam na pwedeng ang isang kilong kalamansi na nagkakahala ng P10 today e pwedeng P30 na bukas depende sa dating ng supply sa palengke or sa pinagbagsakan ng products.
happy farming at farm.on  Smile #MagtulunganTayo Heart
Reply